Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Saturday, May 18, 2024 · 712,749,419 Articles · 3+ Million Readers

Cayetanos extend further aid aid to 500 Hagonoy flood victims

PHILIPPINES, May 5 - Press Release
May 5, 2024

Cayetanos extend further aid aid to 500 Hagonoy flood victims

Despite its remoteness, the offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano returned to the Municipality of Hagonoy this week to provide vital calamity assistance to an additional 500 flood victims.

As a coastal community, Hagonoy experienced a number of catastrophic floods in 2023, rendering at least 20 of its barangays inundated and hundreds of families displaced and in dire need of support.

Recognizing the urgency to provide rehabilitation (pang-ahon) packages to displaced Bulakenyos, the sibling senators have mobilized their resources to ensure that aid reaches those most affected by the disaster.

The aid came in two batches: on April 23, 2024, the Cayetanos' team visited Hagonoy to provide aid to more than a thousand flood victims.

The second round of distribution occurred a week later, on April 29, to benefit 500 more beneficiaries.

Additionally, the Cayetanos' medical team were on the ground to offer medical assistance to ensure that every affected individual receives the health services they require.

Estelle Ople-Osorio, one of the coordinators of the calamity assistance drive, thanked the senators for thinking about their situation despite the remoteness of the area.

"Gusto ko lang po pasalamatan sina Senator Alan Peter at Pia Cayetano dahil hindi nila nakakalimutan ang bayan ng Hagonoy. Hindi po pansinin ang aming lugar, medyo malayo kami sa kabihasnan pero never silang humindi sa paghingi namin ng tulong," Ople-Osorio said of the senators during the April 30 drive held at Hagonoy's Sangguniang Bayan Municipal Covered Court.

"Ramdam po namin ang pagmamahal ninyong dalawa. Thank you po sa sincere ninyong serbisyo sa aming lugar at sa aming pamilya dito sa lahat ng Bulakenyo. More power sa inyong tunay na serbisyo at pagmamahal sa mamamayang Pilipino!" she added.

The assistance drive was done in coordination with Hagonoy Mayor Flordeliza Manlapaz, Vice Mayor Maria Rosario Sy-Alvarado, and Councilor Baby Ople, in partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) under its Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

AICS provides essential assistance to people affected by crises like floods, earthquakes, and those affected by El Niño to aid their recovery.

170 more receive livelihood aid

The next day, on April 30, the senators' team also visited the Municipality of Norzagaray to provide livelihood aid to 170 Bulakenyos from the women's groups, senior citizens, and barangay health workers.

This was done in partnership with Norzagaray Vice Mayor Baldo Gener, Board Member Art Legazpi, Board Member Jay De Guzman, and Councilor Maricar Pelayo.

Senators Alan Peter and Pia Cayetano remain committed to supporting communities affected by natural disasters and will continue to monitor the situation in calamity-stricken areas to provide assistance as needed.


Magkapatid na Cayetano, bumalik sa Hagonoy upang tumulong sa karagdagang 500 biktima ng baha

Sa kabila ng kalayuan nito, bumalik ang mga opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ngayong linggo sa Hagonoy upang magbigay ng kinakailangang calamity assistance sa 500 pang beneficiaries.

Nakaranas ang coastal community ng Hagonoy ng ilang insidente ng baha noong nakaraang taon kung saan hindi bababa sa 20 na barangay ang naapektuhan. Daan-daang pamilya ang nawalan ng tirahan at naiwang lubhang nangangailangan ng suporta.

Dahil sa pagkilala sa pangangailangang magbigay ng pang-ahon na tulong para sa mga lumikas na Bulakenyo, pinakilos ng magkapatid na senador ang kanilang opisina upang matiyak na makakarating ang tulong sa mga pinakaapektado ng kalamidad.

Dumating ang tulong ng Cayetano team sa dalawang batch. Ang pinaka-una ay naganap noong April 23, 2024 kung saan mahigit isang libong biktima ng baha ang nabigyan ng tulong.

Ang pangalawang batch naman ay naganap nitong linggo, April 29, upang matulungan pa ang 500 karagdagang beneficiary.

Bukod dito, nasa lugar ang medical team ng mga Cayetano upang magbigay ng tulong medikal upang matiyak na ang bawat apektadong indibidwal ay makakatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan na kailangan nila.

Pinasalamatan ni Estelle Ople-Osorio, isa sa mga coordinator ng calamity assistance drive, ang mga senador sa pag-alala sa kanilang sitwasyon sa kabila ng pagkaliblib ng kanilang lugar.

"Gusto ko lang po pasalamatan sina Senator Alan Peter at Pia Cayetano dahil hindi nila nakakalimutan ang bayan ng Hagonoy. Hindi po pansinin ang aming lugar, medyo malayo kami sa kabihasnan pero never silang humindi sa paghingi namin ng tulong," wika ni Ople-Osorio noong April 30 drive na ginanap sa Hagonoy's Sangguniang Bayan Municipal Covered Court.

"Ramdam po namin ang pagmamahal ninyong dalawa. Thank you po sa sincere ninyong serbisyo sa aming lugar at sa aming pamilya dito sa lahat ng Bulakenyo. More power sa inyong tunay na serbisyo at pagmamahal sa mamamayang Pilipino!" dagdag niya.

Ginanap ang assistance drive sa tulong at koordinasyon nina Hagonoy Mayor Flordeliza Manlapaz, Vice Mayor Maria Rosario Sy-Alvarado, at Councilor Baby Ople, at sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Nagbibigay ang AICS ng tulong pang-ahon sa mga taong naapektuhan ng mga krisis tulad ng mga baha, lindol, at mga naapektuhan ng El Niño.

170 pang Bulakenyo, nakatanggap ng tulong pangkabuhayan

Kinabukasan, April 30, bumisita rin ang pangkat ng mga senador sa Norzagaray upang bigyan pa ng tulong ang 170 Bulakenyo mula sa hanay ng kababaihan, senior citizen, at barangay health worker.

Isinagawa ito sa pakikipagtulungan nina Norzagaray Vice Mayor Baldo Gener, Board Member Art Legazpi, Board Member Jay De Guzman, at Councilor Maricar Pelayo.

Nananatiling nakatuon sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa pagsuporta sa mga komunidad na apektado ng mga natural na kalamidad at patuloy na sumusubaybay sa sitwasyon ng mga lugar na sinalanta ng kalamidad upang magbigay ng tulong kung kinakailangan.

Powered by EIN Presswire
Distribution channels:


EIN Presswire does not exercise editorial control over third-party content provided, uploaded, published, or distributed by users of EIN Presswire. We are a distributor, not a publisher, of 3rd party content. Such content may contain the views, opinions, statements, offers, and other material of the respective users, suppliers, participants, or authors.

Submit your press release